ROXAS CITY – Arestado ang isang babae at lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency Region 6 sa Barangay Banica, Roxas City.
Matagumpay na naaresto ang mga suspek na sina Dennis Benitez 48-taong gulang na residente ng Barangay Lawaan, at Jurelyn Besa 22-taong gulang na residente ng Barangay Culajao, sa lungsod ng Roxas.
Nakuha sa kontrol at posesyon ng dalawa ang 17 sachets ng medium at small sized ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 250 gramo at diumano’y nagkakahalaga ng P1,700,000.
Narekober din sa mga suspek ang P20,000 buy bust money, cellphone, weighing scale at sling bag.
Sinasabing mga High Value Individual ang mga ito at nauna ng nakulong si Benitez sa kaparehong kaso noong Disyembre 29, 2021 ngunit nakalabas ng kulungan dahil sa plea-bargaining agreement.
Sa ngayon nanananitili ang mga ito sa Roxas Component City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o “Comprehensive Dangerouws Drugs Act of 2002.