CEBU CITY – ‘Di malayong mapilitan ang city government ng Cebu na mangyari ang mass burial dahil na rin sa tumaas na bilang ng mga namamatay sa COVID-19.
Ito ang iginiit ni Cebu City Councilor Joel Garganera, na siya ring nangagasiwa sa Emergency Operation Center (EOC) ng lungsod sa isang press conference kasama si acting Mayor Mike Rama.
Nakumpara ng opisyal ang mass burial na nangyari sa labas ng bansa bunsod ng pagdami ng mga namamatay dahil sa coronavirus at lalo’t nakapasok na sa Central Visayas ang mas nakakahawang Delta variant.
Ayon pa kay Garganera na hindi ito mapipigilan kung wala mahanap na solusyun sa mga napupunong o walang bakanteng slot sa mga libingan pati narin ang mataas na linya sa mga punerarya at cremation laboratory sa lungsod.
Dagdag pa nito na maari pang pagmulan ng sakit ang mga bangkay kung ilalagay lang ito sa mga freezer at iba pa
Sa kabilang banda, iginiit ni Mayor Rama na ayaw nitong mapilitan sa mass burial sa lungsod kung kaya’t pangako pa nito na hahanapan niya ito ng paraan para ito ay hindi mangyari.
Ayon naman sa huling datos nga Department of Health in Central Visayas (DOH-7), nakapagtala ang lungsod ng Cebu ng 65 COVID-related deaths sa unang linggo pa lang ng Agosto 2021.