-- Advertisements --

Magsasagawa ng mass COVID-19 testing ang Vietnam sa probinsya ng Hai Duong.

Ayon kay deputy health minister Nguyen Truong Son, ang nasabing lalawigan ang itinuturing na epicenter ng panibagong outbreak na naitala sa kanilang bansa.

Maliban sa Hai Duong ay maglulunsad din sila ng mass testing sa iba pang mga apektadong lugar.

Mula nang magsimula ang outbreak noong Huwebes, umakyat sa 93 ang mga naiulat nang locally transmitted infections, na sinasabing nagmula sa isang electronics factory.

Sa isang pahayag, sinabi rin ni Son na nagnegatibo na sa virus ang nalalabing 2,340 trabahador sa naturang pabrika. (Reuters)