LAOAG CITY – Hindi basta-bastang maipapatupad ang mass deportation dahil maaring maapektuhan ang ekonomiya ng Amerika.
Ito ang iginiit ni Bombo International News Correspondent Ray Dacul – Filipino Teachers Leader mula Washington DC, USA dahil na rin sa pinangangambahan ng mga Overseas Filipino Workers lalo na ang mga illegal immigrants ang kumakalat na impormasyon na may isasagawang mass deportation sa America sa ilalim ng administrasyon ng bagong US Pres. Donald Trump.
Ayon sa kanya, malaki ang naitutulong ng mga Filipino Workers lalo na sa mga gawaing bahay, pag-aalaga sa mga bata at sa pagiging care giver dahil hindi ikino-konsidera ng mga Amerikano ang ganitong trabaho dahil sa mababang sahod.
Nilinaw ni Ducay na mayroong proseso na masusunod sa usaping mass deportation. Sinabi nito na posible lamang na ang mga madedeport ay ang mga illegal immigrants na mayroong kinakaharap na mabibigat na kaso.
Sa ngayon, umaabot sa 12M ang illegal immigrants sa Amerika.
Samantala, hindi rin maitatanggi ang kasiyahan ng mga residente doon sa naging matagumpay na inagurasyon ni Trump sa kabila na naganap ito sa loob ng kapitolyo.
Ayon kay Ducay, hindi na lingid sa kanilang kaalaman na naimbitahan ang mga malalaking personalidad tulad ng mga pangulo sa ibat-ibang dako ng mundo at mga bilyonaryong indibidwal para masaksihan ang inagurasyon ng bagong pangulo ng America.