-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XII ang educational assistance mass distribution para sa mga estudyante sa lalawigan partikular na sa bayan ng Alamada Cotabato upang matulungan ang mga kabataan na matugunan ang kanilang pangangailangang pinansyal.

Abot sa P1,547,000 halaga ang naipamigay ng DSWD para sa 920 na mag-aaral. 511 dito ay nasa elementarya na tumanggap ng P1,000; habang 233 Junior High School ang nakatanggap ng P2,000 kada isa; 134 Senior High School ang nakatanggap ng P3,000; at 42 estudyante naman mula sa kolehiyo ang nakatanggap ng P4,000 bawat isa.

Mismong si DSWD XII Regional Director Loreto V. Cabaya ang nanguna sa aktibidad at personal na dinaluhan naman ito ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.

Magpapatuloy ang naturang aktibidad sa ibang bayan sa probinsya.