Umabot na sa 80 kabahayan ang nilamon ng mabilis na pagkalat ng forest fires sa Valaparaiso, Chile.
Kasalukuyang naka-deploy ang lahat ng bumbero sa siyudad ng Rocuant at San Roque upang tumulong sa pag-apula ng apoy.
Halos 90,000 customers naman ang pansamantalang pinutulan ng kuryente bilang precautionay measure.
Ayon kay Valparaiso Mayor Jorge Sharp, hinihinala umano nilang intensyunal ang pagkakasunog ng kanilang kagubatan ngunit sinigurado rin nito na wala pang naitatalang nasaktan dahil sa insidente.
“At the moment, emergency teams from all over Valparaíso are working, using land and air resources, in two areas in the higher part of the city,” saad ng alkalde.
Mas lalo pa raw nagpalala sa sitwasyon ang malakas na ihip ng hangin at mainit na temperatura sa bansa.