CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpadala na ng mga doktor at epidemiologist ang Department of Health (DOH) sa bahagi ng bayan ng Impasug-ong, Bukidnon kasunod sa utos ni DOH Sec. Francisco Duque III matapos matanggap ang report ng mass food poisoning mula sa regional office.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro kay Dr. Dave Mendoza, inihayag nitong bumaba na ang bilang ng mga na-confine sa ospital matapos unang maulat ang aabot sa 1,000 kalahok ng Seventh Day Adventist Reform Group ang nahilo sa kanilang kinain na inihanda ng Cedar resort sa bayan ng Impalutao sa nakalipas na araw.
Aniya, gustong malaman ng kalihim kung ano ang naging sanhi ng pagkahilo ng mga biktima.
Kasabay na susuriin ng DOH central office team of epidemiologist ang food safety standards ng naturang hotel.
Sa ngayon, nananawagan ang kagawaran na hugasan nang maayos ang mga pagkain bago lutuin at kainin upang makaiwas sa food poisoning.