-- Advertisements --

ILOILO CITY- Ipagbabawal pa rin ang pagtitipon kasabay ng pagsisimula ng Ramadan o isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim sa Saudi Arabia at sa Arab World dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang Saudi Arabia, ay tahanan ng pinakabanal na mga lugar sa relihiyong Islam.

Ayon kay Bombo International Correspondent Julie Amper, sa loob ng bahay na lang ipagdiriwang ng mga Muslim ang Ramadan sa pamamagitan ng pagdarasal.

Dagdag nito, hindi rin maaaring tumanggap ng bisita upang magsagawa ng salo-salo ang mga Muslim.

Napag-alaman na sa panahon ng Ramadan, hindi maaaring kumain, uminom , at makipagtalik ang mga Muslim mula bukangliwayway hanggang paglubog ng araw.

Ito na ang pangalawang sunod-sunod na taon na ipagdiriwang ang Ramadan sa ilalim ng coronavirus pandemic precautions.