-- Advertisements --

Inanunsyo ng Malacañang na papahintulutan na ang mass gatherings sa mga unibersidad at kolehiyo sa mga areas na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Sa Laging Handa virtual briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na papayagan ito basta’t susunod sa ipinaiiral na mga panuntunan.

“Pinapayagan na ang mass gatherings sa higher educational institutions ngunit kailangan silang sumunod sa ilalim ng existing guidelines ng MGCQ,” ani Roque.

Samantala, maaari na rin aniyang magsagawang muli ng mga training ang Technical Educational and Skills Development Authority (TESDA) sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.

Ayon kay Roque na papayagan na raw ang technical-vocational education training (TVET) ng TESDA sa GCQ at face-to-face TVET trainings hanggang 50 percent site capacity naman sa MGCQ.

Pero dapat ay masusunod ang minimum public health standards at dapat ding may konsultasyon sa mga nakakasakop na local goverment units.