-- Advertisements --

Natagpuan sa isang itunuturing na largest burial site ang ibinaon na mahigit 440 mga bangkay sa eastern city ng Izium na nabawi na ng Ukraine mula sa Russian forces.

Ayon kay Serhiy Bolvinov, chief police investigator ng Kharkiv region, na ilan sa mga ito ay napatay sa pambobomba at air strike ng Russian invaders.

Sinabi din nito na magsasagawa ng forensic investigations sa bawat bangkay na natagpuan sa naturang lugar.

Isinisi naman ni President Volodomyr Zelensky sa Russia at iniugnay ang panibagong mass grave na nadiskubre sa nangyari sa Bucha sa outskirts ng kabisera ng kyiv sa unang yugto ng Russian forces kung saan kapwa inakusahan ng Ukraine at Western allies ang Russia sa pagsasagawa ng war crimes sa nasabing kabisera.

Sa panig naman ng Russia, makailang ulit nitong itinanggi na hindi nila tinatarget ang mga sibilyan o pinabulaan ang paratang na pagsasagawa ng war crimes.