NAGA CITY- Nagpapatuloy ang mass registration ng mga coconut farmers sa Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay John Villareal, Division Chief ng Philippine Coconut Authority (PCA) ng Camarines Sur 1, sinabi nito na isinasagawa rin ang pag-update ng National Coconut Farmers Registry maging ang information drive ng nasabing ahensiya.
Aniya, ito ay para mas mapadali umano ang pag-inform sa mga coconut farmers sa pamamagitan ng pakikipag-coordinate umano nila sa mga Local Government Units (LGU), Brgy. Officials at mga small coconut farmers organization.
Layunin umano ng programa ang mai-update at mairehistro ang mga bagong coconut farmers na hindi kasama sa isinagawang National Coconut Frers Registry System at magkaroon ng listahan upang makita kung ilan ang kabuuang bilang sa buong bansa.
Kasama na dito ang mga may-ari, magsasaka caretakers at administrators ng mga niyog.
Sa ngayon, wala pa aniyang final figure ang PCA Camarines Sur 1 hinggil sa mga nairerehistrong coconut farmers ngunit bago pa man umanong matapos ang linggo ay obligado ang ahensiya na magsumite ng bilang ng mga registrants.