-- Advertisements --

Epektibo na simula sa susunod na buwan ang mga panibagong firearm law sa Texas kung saan luluwagan na ang gun restriction sa naturang estado.

Naitala sa Texas ang 10 sa pinaka-mapaminsalang mass shooting sa buong kasaysayan ng United States.

Kasabay ng pagpasa ng nasabing batas na ito ang walang habas na pamamaril ng isang lalaki na nag-iwan ng 22 patay.

Batay sa House Bill 1143 hindi maaaring pagbawalan ng mga eskwelahan ang kanilang mga empleyado na magdala o iwan ang kani-kanilang mga baril sa kanilang kotse.

Sa ilalim naman ng Senate Bill 535 ay pianpayagan ang lahat ng licensed handgun owners na dalhin ang kanilang armas sa llob ng simbahan.

Sa kabila nito, duda naman ang ilang myembro ng isang gun violence protection advocacy group sa Texas sa mga panibagong batas na ito.

Ayon sa mga ito, imbes daw na mas bigyang pansin ng mga mambabatas na mas lalong higpitan ang gun laws sa kanilang bansa ay tila mas hinihikayat pa ng mga ito ang pagkakaroon ng baril kahit saan sa kabila ng mga trahedya na dinanas ng kanilang bansa.