-- Advertisements --

COTABATO CITY – Pinangunahan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mass signing and oath taking ng mga kaguruan at non teaching staffs na sakop ng naturang rehiyon. Ginawa ang nasabing event sa Sharriff Kabunturan Cultural Complex ngayong umaga lamang.

Pinangunahan ng mismong Minister for Basic Higher and Technical Education Mohagher Iqbal ang nasabing oath taking.

Nagbigay ng kanyang welcoming remarks si Deputy Minister Atty. Haron Meling at pinangasiwaan ng Secretariat ang paghahanda sa mga papeles ng mga appointees.

Nagbigay naman ng mensahe sa mga naging appointees ang Chief Minister ng Rehiyon na si Hon. Ahod Ebrahim at malugod naman itong tinanggap ng mga Principal 1 Appointees sa lalawigan ng Lanao del Sur 1 and 2 divisions.

Nagpasalamat naman sa kanyang Closing remarks si DG for Basic Education Abdullah Salik Jr at inaasahan ng buong ministro ang dekalidad na pagtatrabaho ng mga bagong panumpa na mga guro at kawani para sa kasanayan at kaalaman ng mga kabataang Bangsamoro.