NAGA CITY – Itinuturong dahilan ngayon ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa probinsya ng Camarines Sur ang isinasagawang mass testing sa mga boarder papasok sa probinsya.
Ito ay dahil na rin umano sa agad na nadedetect ang mga indibidwal na positibo sa COVID-19 papasok pa lammang sa nasabing lugar.
Base sa pahayag na ipinalabas ng Camarines Sur Provincial Government, gamit ang antigen test agad na nalalaman ang resulta ng naturang eksaminasyon at naiiwasa narin na makahawa pa at makapasok ang mga positibo sa naturang virus.
Nabatid na ito umano ang nakitang solusyon ng local na gobyenro upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng nakakamatay na sakit sa probinsya.
Sa ngayon ang lungsod ng Iriga ang mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umabot sa 217, habang sinundan naman ito ng bayan ng Pili at bayan ng Nabua na kasalukuyan nasa ilalim ng moderate level of risk to COVID-19.
Sa ngayon isinasagawa narin ang mass testing hindi lamang sa Del Gallego Border control kung hindi pati narin sa mga opisina at mga lugar na mayroong mataas na numero ng nasabing nakakamatay na virus.