-- Advertisements --

Nasa mahigit 140 katao sa China ang lumabas na asymptomatic sa isinagawang mass testing sa Xinjiang province.

Muli kasing isinagawa ang mass testing sa Kashgar region matapos na ang isang babae na nagtatrabaho sa isang factory ay lumabas na asymptomatic.

Siya ang unang local case na nakita sa mainland China sa loob ng 10 araw na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19.

Mula pa noong araw ng Linggo ay mayroon ng 2.8 million katao na ang kanilang sinuri.