-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inilunsad na ng pamahalaang Romania ang mandatory testing para sa mga senior citizen na nasa nursing home at home for the aged.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Renato Villarta, caregiver sa Bucharest, Romania, sinabi niya na sa ngayon ay pinalawig pa ang lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID 19 na umabot na sa mahigit 2,000 kasabay ng pagsasagawa ng COVID 19 mass testing upang matiyak na ligtas ang mga senior citizen sa mga nursing homes.

Maliban rito ay nagdaramdam na ang mga Romanian sa kanilang pamahalaan dahil sa kawalan ng tulong.

Gayunman ang Pangulo ng Filipino community sa Romania at ilang filipino community ang kusang nag bibigay ng tulong para sa mga Pinoy na nangangailangan ng pagkain.

Apektado na rin ang ekonomiya ng Romania dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ang mga nahuhuling lumalabag sa panuntunan ng lockdown ay pinagmumulta ng 400 euros o habang ang mga hindi kayang mag bayad ng multa ay dinadala sa quarantine area.

Ayon kay Ginoong Villarta, ginagamit na ang plasma therapy sa Romania para magamot ang mga pasyenteng malubhang tinamaan ng COVID 19.