DAGUPAN CITY – Magsisimula na ngayong araw ang mass testing sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Ana de Guzman, unang isasagawa ang mass testing ngayong umaga sa mga bayan ng Bayambang at sa bayan ng Malasiqui.
Sa hapon naman ay sa bayan ng Santo Tomas at Basista.
Sinabi ni de Guzman na umaabot sa 16 na bayan at dalawang lungsod ngayong linggo.
Target nilang makakuha ng 100 sampless gamit ang real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) based testing kits.
Isasagawa ang mass testing sa lahat ng bayan at siyudad pero uunahin umano ang mga tinaguriang mga hotspot areas na may confirmed COVID-19 case.
Unang isasailalim sa throat swab ang mga mild PUI, person under monitoring na matatanda, mga high risk na mga buntis, OFW at sunod din ang mga frontliners gaya ng mga tumutulong sa mga checkpoints, midwife, at barangay health workers.
Samantala, ipagpapatuloy ang mas testing sa pangalawa at ikatlong linggo ng buwan nitong Mayo.