-- Advertisements --

Sisimulan na ng Indonesia sa susunod na linggo ang kanilang mass vaccination program laban sa COVID-19.

Ito ay matapos na nakabili ang nasabing bansa ng 329 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa kumpanyang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.

Unang gagamitin ng Indonesia sa first phase ng mass vaccination ay ang CoronaVac na gawa ng China kung saan nakatanggap sila ng 3 milyon doses.

Inaasahan na matatapos ang vaccination program ng hanggang 15 buwan kung saan aabot sa $5.33 billion ang kabuuang ginastos ng nasabing bansa.