Ikinasa ngayong araw ng Office of the Student Regent ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang ‘Mass walkout’ bilang pakikiisa sa 39th anniversary ng EDSA People Power ngayong Martes, Pebrero 25, 2025.
Mula sa main building patungong tarangkahan ng pamantasan ay bitbit ng mga estudyante ang mga panawagan “Marcos singilin! Duterte panagutin, Sara litisin.”
Hinikayat din ng mga ito ang mga mag-aaral na makiisa sa karapatan ng mga Iskolar ng Bayan.
Sa pagtatapos ng paunang programa sa tarangkahan ng PUP, sabay-sabay na inawit ng ito ang PUP Hymn bilang pagsimolo umano sa aksyong naglalayon na pukawin ang diwa ng militanteng pakikibaka ng mga mag-aaral.
Samantala nagpaabot din ng pakikiisa ang Makabayan Bloc sa panawagan ng mga Iskolar ng Bayan na nagdaraos ngayon ng programa sa PUP Main Gate.
Bitbit ang mga placard na may panawagan sa kabuhayan, paninirahan, at mga batayang serbisyo at pagpupugay sa mga mag-aaral na lumahok ngayon sa pagkilos.
Matatandaang Oktubre 2024 nang ilabas ng Malacañang ang listahan ng mga holiday sa bansa ngayong 2025 kung saan hindi nila idineklarang special non working holiday ang Pebrero 25.