-- Advertisements --

Agad na pinasara ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang isang massage spa na nag-aalok ng ‘extra service’.

Ayon sa alkalde na matapos na makatanggap ito ng sumbong sa anomalya ng spa at agad nitong ipagbigay alam sa kapulisan.

Mabilis namang umaksyon ang kapulisan at nasagip ang tatlong babae, isang lalaki at isang miyembro ng LGBT.

Naaktuhan pa ng mga kapulisan ang isang babae na nakikipagtalik sa isang customer.

Inihahahda na rin kapulisan ang kaso laban sa may-ari ng spa.