-- Advertisements --

CEBU CITY – Patay ang 31-nayos na massage therapist matapos umanong tumalon mula sa ika-38 palapag sa isang malaking hotel sa uptown area sa lungsod ng Cebu.

Kinilala ang biktima na si alyas Kaye na nagtatrabaho sa isang massage parlor sa loob ng nasabing hotel.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na matindi ang kalungkutan ng biktima dahil sa kanyang sakit na diumano’y wala ng gamot.

Ito ay base na rin sa nakuha ng pulisya na suicide note ng biktima na nasa loob ng jeans nito.

Sa pahayag din ng mga kasamahan nito sa trabaho, kanila raw nakita ang biktima na tumatawang mag-isa at kung kanilang tatanungin ay malayo ang sagot nito kaya sa kanilang pagwawari ay may sakit umano ito sa pag-iisip.

Sa ngayon ay sinusuri ng pulisya ang CCTV footages kung tumalon o sadyang nahulog ang biktima.