CEBU CITY – Patay ang isang 31 taong gulang na massage therapist matapos na tumalon mula sa ika-38 palapag sa isang malaking hotel sa uptown area sa lungsod ng Cebu.
Kinilala lang ang biktima na si alyas “Kaye” na nagta-trabaho sa isang massage parlor sa loob ng nasabing hotel.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na matindi ang kalungkotan ng biktima dahil sa kanyang sakit na diumanoy wala ng gamot.
Ito’y base na rin sa nakuha ng pulisya na suicide note ng biktima na nasa loob ng jeans nito.
Sa pahayag rin ng mga kasamahan nito sa trabaho, diumano’y kanilang nakita ang biktima na tumatawang mag-isa at kung kanilang tatanungin ay malayo ang sagot nito kaya sa kanilang pagwawari ay masakit ito sa pag-iisip.
Sa ngayon ay sinusuri ng pulisya ang CCTV footages kung tumalon o sadyang nahulog ang biktima.