Inanunsiyo ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ngayong araw na nagsimula na ang Russian troops ang pag-atake sa eastern Donbass Region.
Ayon kay Zelensky, naghahanda ang pwersa ng Russia para sa “long time” na opensiba sa Donbas.
Maaalala na nakuha ng Russia ang kontrol sa Crimea mula sa Ukraine noong taong 2014. Simula noon ang pro-Russian separatists na nasa eastern donbas region ay nakikipaglaban na kontra sa pwersa ng Ukraine.
Iginiit naman ni Zelensky na kahit na gaano man karami ang mga sundalo ng Russia ay patuloy silang makikipaglaban at dedepensahan ang kanilang sarili.
Base sa Luhansk governor, napasok na ng Russia ang eastern region ng may malaking bilang ng military hardware habang umatras naman ang Ukraine army para magreposition.
Samantala, ayon naman sa Pentagon nakahandang ipadala ang shipment na nagkakahalaga ng $800-million sa Ukraine kasabay ng paghahanda ng Russia na magsagawa ng malawakang opensiba sa Donbas.