Tinawag ni incoming PNP chief at NCRPO Director Oscar Albayalde na massive checkpoint ang ilalatag sa Metro Manila dahil sa pagsisimula na ng election period.
Ayon kay Albayalde, ang kanilang paghihigpit sa chcckpoints ay bunsod na rin nang pag-iral nationwide sa suspension ng license to own and posses firearms upang maibsan ang mga election related-violence.
Inamin ng heneral na mayroon silang namo-monitor na mga private armed groups na maaring gamitin ng ilang politiko.
Aniya, alam naman daw ng lahat na tuwing sasapit ang barangay elections ay masyadong mahigpit ang labanan na ginagawang personalan ang away.
Una nang sinabi ng PNP na nasa mahigit 53 barangays sa Metro Manila ang tinututukan ng mga otoridad dahil sa posibleng election related violence.
Samantala, kahit unang araw pa lamang ng filing ng certificate of candidacy (COC) may mga Comelec offices na bumuhos ang mga kandidato at supporters.
Ang ilan sa mga ito ay nagreklamo dahil sa mahabang pila at idinulot na kalituhan tulad na lamang sa ilang bahagi ng Maynila.
May ilang Comelec offices naman ang matumal pa ang naghain ng kanilang COC.