LEGAZPI CITY – Nagbabala ang Task Force Kaayusan, Kalikasan, Kalinisan at Negosyo sa massive clearing operations sa Legazpi City na nilalayong maalis ang mga harang sa kalsada at maisaayos na daloy ng trapiko.
Nilinaw ni Task Force head Andy Marbella sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ginagawa na ang hakbang noon pang mga nakaraang taon at bago pa man maibaba ang DILG Order.
Natigil lamang umano ito nang masira ang service vehicle suablit balik-trabaho ngayon nang mabigyan ng truck mula sa city government.
Mapayapa naman aniya ang mga isinasagawang operasyon na mula sa pagpapaalam ng mga designated at ipinagbabawal na lugar para sa parking.
Nireresolbahan na rin umano ang bigat ng trapiko at sinasabing ‘eyesore’ sa likod ng palengke kaya’t binigyan ng 10 minuto lang sa pag-unload ng mga karga ang mga nagtutungo sa palengke.
Sakaling sumobra sa oras, maaari nang i-tow ng mga tauhan ng Public Safety Office (PSO).
Sa limang beses nang nabigyan ng warning, pasensyahan na lamang umano ayon kay Marbella habang hindi rin ligtas ang mga may motorcycle shops na nasa sidewalk na ang parking.