-- Advertisements --
marikina mayor covid
Marikina City Mayor Marcelino Teodoro

Isinagawa sa lungsod ng Marikina ang massive disinfection matapos makapagtala ng unang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang disinfection ay isinasagawa sa mga pampublikong paaralan, pamilihan, parke at ibang local spaces para mapigilan ang pagkalat ng deadly virus.

Nagpaala naman si Mayor Marcelino Teodoro sa mga residente na huwag mabahala dahil walang local transmission sa Marikina dahil ang 86-anyos na pasyente ay may travel history sa South Korea.

Sa ngayon isinasagwa na rin ang contact tracing sa mga nakahalubilo ng pasyente para maiwasan na magkaroon ng transmission sa nasabing virus.

“Sama-sama, tulong-tulong tayo rito. Buong komunidad ay pangangalagaan upang hindi magkaroon ng transmission,” panawagan pa ni Mayor Marcy.

Una rito, walong mga residente na nagkaroon ng contact sa pasyente nagpasailalim muna sa self-quarantine.

Kahapon lamang ay inanunsiyo ng siyudad ang pagkansela sa hosting nila sa Palarong Pambansa 2020 na gaganapin sana sa buwan ng Mayo.