-- Advertisements --

Tinawag na ngayon ng mga eksperto na pinakamalaki sa kasaysayan ng Amerika ang nagaganap na massive evacuation sa estado ng Florida dahil sa banta ng supertyphoon Irma.

Huling nagkaroon ng malaking paglilikas ay noong taong 2005 kung saan nasa tatlong milyong mga residente ng Texas ang pinalikas dahil naman sa Hurricane Rita.

Sa ngayon balik na naman sa pinakamalakas na Category 5 ang “Irma” matapos mabawasan ang lakas nito sa nakalipas na magdamag na inilagay sa Category 4.

Tumbok na ngayon ang estado ng Florida kaya naman nagdeklara ang governor na si Richard Lynn Scott sa lahat ng mga residente na dapat nang lumikas dahil gahol na sila sa oras.

Ang meteorologist na si Eric Holthaus‏ ay hindi naitago ang pagkagulat sa kakaibang galaw na ipinapakita ng supertyphoon Irma.

Sa kanyang Twitter message tinawag niya itong “terrifying” habang nagbabadya ang “catastropic impact” nito sa kalupaan.

“I know many of us have friends and family in harm’s way tonight. These storms are terrifying—I didn’t make that clear enough in this tweet.”

Mas matindi naman ang babala ng isa pang beteranong meteorologist na si Ed Rappaport, ang acting director ng National Hurricane Center, dahil sa pangamba nito na baka walang buhayin ang “Irma” kung merong maabutan ang sentro ng bagyo sa pagdaan sa Florida.

“It’s not clear that it’s a survivable situation for anybody that is still there in the Key.”

Ang iba namang mga eksperto ay halos mawalan ng mga salita sa paglalarawan kay “Irma” na patuloy na binabasag ang record sa mga nagdaang hurricanes sa Atlantic Ocean.

Ilan sa mga records na naitala ng Colorado State University meteorologist Philip Klotzbach ay ang 185 miles per hour (mph) lifetime maximum winds ni “Irma” bilang “strongest storm to exist in the Atlantic Ocean.”

“185 mph max winds for 37 hours — the longest any cyclone around the globe has maintained that intensity on record. Three consecutive days as a Category 5 hurricane — the longest in the satellite era (since 1966). Generated the most Accumulated Cyclone Energy — a measure that combines a hurricane’s wind speed and size — on record in the tropical Atlantic.    Generated more Accumulated Cyclone Energy than 14 entire Atlantic hurricane seasons in the satellite era.”

“No wonder Irma has gone from this to this in just four hours. It’s traversing the warmest waters of its entire lifetime right now” – Eric Holthaus‏

Samantala una nang tiniyak ni US President Donald Trump na nasa mataas na level ang kanilang kahandaan sa Hurricane Irma.

Sa kaniyang mensahe inatasan niya ang lahat ng mga ahensya na maging handa.

Tiwala rin ito sa efforts ng mga opisyal ng Florida at ilang mga estado na dadaanan ng nasabing delubyo.

Pinupuntahan na rin ng mga kapulisan sa Florida ang mga kabahayan para palikasin ang mga residente bago ang pag-landfall ng bagyo.

Bago ang pagtama ng mata ng bagyo sa Florida, hinagupit muna ni Irma ang Cuba at Bahamas.