Pinaghahandaan na ng militar ang paglulunsad ng massive information campaign ngayong na-ratify na ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ito ay para sa nakatakdang plebisito sa darating na Nobyembre.
Ayon kay Philippine Army 6 Infantry Division Commander M/Gen Cirilito Sobejana, ngayon palang ay pinag-uusapan na nila ang information dissemination para maipalam sa mga taga-Mindanao ang mga probisyon ng batas lalo na sa mga sundalo.
Giit ni Sobejana, mahalaga na malinaw sa lahat ang nilalaman ng BOL bago ito pagbotohan ng mga taga-Mindanao sa isang plebisito.
Wala aniyang pinagkaiba ito sa ginawa ng Armed Forces of the Philippines bago magpatupad ng Martial Law sa Mindanao kung saan nagkaroon muna ng malawakang konsultasyon sa iba’t ibang sektor bago ito ipinatupad.
Ang BOL ay nakatakda nang pirmahan ni Pangulong Rodirgo Duterte matpos itong maratipika ng Kongreso.
“At at least ngayon malinaw na ratified na yung BOL and in due time mapirmahan na ni presidente kaya pinaguusapan namin dito yung information dissemination, we have to inform the public on the provisions of the BOL in preparation for a plebiscite this coming November, parang yung ginawa natin sa declaration of Martial Law, bago natin inimplement nagkaroon tayo ng massive consultative meeting,” mensahe ni Sobejana.