-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na ngayong taon nakatakda ang massive rehabilitation sa EDSA na maituturing na isa sa pinaka abalang kalye sa kalakhang Maynila.

Sinabi ni Secretary Bonoan ang pagpapabuti sa riding quality sa EDSA ay isa sa priority projects ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Binigyang-diin ni Bonoan na nais ng Pangulo na magkaroon ng kaginhawaan ang mga mananakay na bumabaybay sa EDSA.

Target ng gobyerno na hindi na mahihirapan ang mga dumadaan sa EDSA.

Layon ng rehabilitasyon ay tugunan ang matagal ng isyu sa nasabing highway at magkaroon ng kaginhawaan ng pangkalahatang paglalakbay ng milyong mga Filipino.

Umaasa din si Bonoan na ngayong taon din makukumpleto ang rehabilitasyon sa EDSA.

Bukod sa EDSA rehabilitation, ibinahagi din ni Bonoan ang mga malalaking proyekto ng ahensiya na makukumpleto ngayong 2025 na malaking tulong sa pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa at magpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa buong bansa.

Kabilang sa mga game-changing projects ay ang tulay sa Zamboanga Sibugay na magkukunekta sa Zamboanga Peninsula.

Ngayong 2025 nakatakda din makumpleto ang Central Luzon Expressway na magkukunekta sa Tarlac, Cabanatuan at Nueva Ecija.