Walang tiging ang ginagawang relief distribution and rehabilitation operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Cagayan at Isabela na lubhang naapektuhan ng malawakang pagbaha dahil sa bagyong Ulysses.
Ayon kay AFP spokesperson M/Gen. Edgard Arevalo, pina-mobilize na ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang lahat ng sea, air and land assets ng AFP.
Ang mga gagamitin sa pagbiyahe ng mga tone-toneladang relief goods, construction materials at mabibigat na engineering equipments ay patungo sa mga lugar na nawasak dulot ng bagyo.
Binigyang-diin din ni Arevalo na nakatutok pa rin ang mga sundalo sa search, rescue and retrieval operations bagamat ilan sa mga lugar ay humupa na ang tubig baha.
Sinabi naman ni Arevalo, lahat ng AFP units ngayon sa Luzon ay gumagalaw para mabigyan ng ayuda ang mga evacuees sa Cagayan.
Maging ang mga choppers ng Philippine Air Force (PAF) ay walang tigil din sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga lugar sa Cagayan na hindi pa madaanan ng mga sasakyan.
Kaninang umaga pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang send-off ceremony ng BRP Tarlac na nagdala ng mga relief goods, construction materials at iba pang mahahalagang kagamitan.
Ayon kay Lorenzana, ang malawakang pagbaha sa Cagayan ay dulot ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam, pag-apaw ng Cagayan river at ang 11 mga ilog sa nasabing probinsiya ay nag-contribute para.
Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Arevalo na sa kabila ng pagiging abala ng AFP sa humanitarian mission, hindi naman nagpapakampante ang mga sundalo sa posibleng pag-atake ng mga rebelde.
Aniya, nakaalerto pa rin ang militar para matiyak ang seguridad ng publiko.