DAVAO CITY – Hindi pa makumpirma ni 2nd District Davao City Councilor Danilo Dayanghirang kung kailan gagawin ang susunod na 2020 Philippine Councilors League (PCL) national election matapos magkaproblema ang voting machine sa kanilang gagamitin sa election.
Una rito, hindi rin nagamit ang manual voting dahil hindi umano handa ang COMELEC kahapon.
Magkaribal para sa posisyon sa national chairperson sa PCL sina konsehal Dannny Dayanghirang at si Legazpi City Councilor Jesciel Richard Salceda.
Una nang kinumpirma ni Dayanghirang na may naganap na vote buying sa Philippine Councilors League national election.
Magugunitaang, sa public post sa kaniyang Facebook page noong nakaraang linggo, inaakusahan ni Dayanghirang ang kampo ni Councilor Salceda na siyang nasa likod umano sa massive vote buying sa mga kapwa konsehal, bagay na itinanggi ito ng kampo ni Salceda.
Paimbestigahan umano ngayon ni Dayanghirang sa DILG sa national board ang nasabing aberya dahil ang integridad ng election ay apektado na ngayon nang dahil sa massive buying at problema pa rin sa voting machine.
Dagdag pa ng konsehal, magiging mainit umano ang labanan sa chairmanship sa PCL ngayon dahil ginagamitan na anya ng pera ang nasabing election kung saan buong bansa umano ang operasyon nito at alam na anya ng mga konsehal ang naturang kalakaran.
Kung maalala, si Dayanghirang ang naging personal choice ni Pangulong Duterte para sa national chairmanship sa PCL.