BACOLOD CITY – Naagawan ng titulo ang defending champion sa Street and Arena Dance Competition Barangay Category sa 40th MassKara Festival sa lungsod ng Bacolod.
Libu-libong mga residente at turista ang nakisaya simula kahapon ng tanghali hanggang kagabi.
Binantayan ng mga Bacoleño, Negrense at ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa ibang bansa ang highlight ng Ruby Masskara.
Umaabot sa 14 na mga barangays ang kasali sa kompetisyon at ito ay kinabibilangan ng Barangay 40, 5, Handumanan, 3, 32, 39, 6, 4, Bata, Estefania, Banago, 12, 16, at Tangub na champion nakaraang 2018.
Ngunit sa desisyon ng mga judges, hindi nadepensahan ng Barangay Tangub ang kanilang titulo at idineklara lamang na first runner up.
Habang iniuwi ng Barangay Estefania ang kampeonato.
Nakuha naman ng Barangay 16 ang 2nd runner-up; 3rd runner-up ang Barangay Banago; at 4th runner-up naman ang Barangay Bata.
Tumanggap naman ang mga winners ng cash at trophy kung saan P250,00 ang inuwi ang ng champion, P175,00 ang 1st runner-up, P150,000 ang nasungkit ng 2nd runner-up, samantala P100,000 ang 3rd runner up at P75,000 ang 4th runner-up.
Naging bisita sa kasiyahan si Presidential spokesman Secretary Salvador Panelo.