Hinimok ng pamunuan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang mga naging biktima ng “rent-sangla” scam na magkaisa at pag-isahin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek nang sa gayon ay mapalakas pa ang kaso.
Ito’y kasunod sa pag-arestong muli sa “rent-sangla” mastermind na si Rafaela Anunciacion na inaresto noong Sabado sa lungsod ng San Pedro, Laguna.
Una nang inaresto si Anunciacion noong nakaraang taon pero nakalaya rin nang magbayad ng piyansa na nasa P40,000 na nahaharap sa kasong estafa.
Ang pag-arestong muli kay Anunciacion ay dahil sa panibagong warrant of arrest na inilabas ni Judge Arthur Melicor ng Regional Trial Court Branch 284.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP HPG headquarters sa Kampo Crame ang lider ng carnapping group na nasa likod ng naturang scam.
Dagdag pa ni Fajardo, sa kaso ni Anunciacion, maaari pa rin ito makapaglagak ng piyansa pero mahihirapan itong makalaya dahil sa dami ng mga warrant of arrest na kanilang hawak.
Payo naman ni Fajardo sa mga may-ari ng sasakyan na nagpaparenta na mas mainam na magtalaga na lang ng driver sa mga paupahang sasakyan o hindi kaya ay maglagay ng Global Positioning System.