Tukoy na umano ng PNP ang mastermind sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City.
Ayon kay Central Visayas regional police director Brig. Gen. Valeriano De Leon na mahigpit nilang tinututukan isang pulitiko sa lungsod ng Dumaguete na posibleng nasa likod daw sa pagpatay kay Dino Generoso.
Tumangging pangalanan ni De Leon ang nasabing pulitiko bagama’t batay sa ginagawa nilang imbestigasyon, ito umano ang nagbayad sa mga suspek para itumba si Generoso.
Magugunitang naaresto na ng pulisya ang dalawa sa mga suspek na kinilalang si ret. Cpl. Glenn Corsame at sibilyang si Teddy Salaw.
Habang nananatili pa ring at large ang dalawa pang suspek na sina Tomacino Aledro na may-ari ng ginamit na getaway vehicle at triggerman na si Cpl. Roger Rubio.
Sinasabing nakalabas na ng bansa si Aledro na siyang dummy operator umano ng Small Town Lottery sa lalawigan ng Negros Oriental, bayaw ni Salaw at sinasabing may ugnayan din umano sa binabantayang pulitiko