CENTRAL MINDANAO-Tinukoy ng mga otoridad na si Jordan Mamalintang alyas Kumander Jordan at anak nito na si Morsid ang nanambang sa grupo ni Peges Mamamasainged alyas Kumander Black Magic ng Inner Guard Base Command ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) sa Maguindanao.
Patay on the spot sina Kumander Black Magic,mga anak nya at kamag-anak na sina Sadam Mamasainged, Sadre Mamasainged, Johari Mamasainged, kaguie kadiguia Mamasainged, Kamaro Mamasainged,Tani Mamasainged at alyas Toks.
Sugatan naman sina Anwar Dimasidsing, Sangi Mamasainged at Banarin Lumalak.
Matatandaan na sakay ang mga biktima sa dalawang SUV patungo sana sa isang kanduli o rido settlement sa Barangay Kitapok Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Ngunit pagsapit ng grupo ni Kumander Black Magic sa Sitio Dam Barangay Kalumamis Guindulungan Maguindanao ay tinambangan ito ng pangkat ni Kumander Jordan na myembro rin umano ng MILF.
Sina Kumander Black Magic at Kumander Jordan ay magpinsan ngunit mortal na magkaaway.
Sa ngayon ay tumutulong na rin ang MILF sa militar at pulisya sa paghahanap sa mga suspek para managot sa batas.