Pormal ng binuksan ang Masungi Georeserve, kilalang eco-tourism destination sa probinsya ng Rizal, matapos ang ilang buwang pagsasara dahil sa coronavirus pandemc.
Limitado lamang sa lima hanggang walo ang bilang ng mga turista na papayagang bumisita sa naturang tourist spot para na rin mapanatili ang umiiral na minimum health protocols.
Kinakailangan din na mag-book muna ng reservation sa Masungi website ang sinomang gustong magpunta rito.
Habang ang entrance fee naman ay aabot ng P1,500 hanggang P1,800 at hindi na rin kakailanganin pa ng negative result ng COVID-19, maliban na lamang kung may sintomas nang sakit sa oras na nandoon na sa site.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, karamihan sa mga taga-National Capital Region ang gustong bisitahin ang Masungi Georeserve dahil sa napaka-ganda nitong limestone landscape, trails at nagtataasang mga puno.