-- Advertisements --
Pormal na papalitan ni Jorge Masvidal si Gilbert Burns na lalaban kay Kamaru Usman para sa UFC welterweight world championship.
Ito ay matapos na magpositibo si Burns sa coronavirus.
Nakatakda sa darating na Hulyo 11 sa Fight Island sa Yas Island, Abu Dhabi ang nasabing laban ng dalawa.
Una kasing napili si Masvidal na kalabanin si Usman para sa titulo subalit nagkaroon ng problema sa prize money.
Magunitang bukod kay Burns ay nagpostibo rin sa virus ang coach nito na si Greg Jones, kapatid nitong si Herbert at ang training partner nito na si Aung La N Sang.