-- Advertisements --

DAGUPAN CITY–Hindi itinanggi ng Department of Agriculture (DA) Region 1 na isa parin ang lalawigan ng Pangasinan sa nananatiling may mataas na kaso ng rabies sa buong region.

Ayon kay Dr. Sigrid Agustin, Alternate Regional Rabies Coordinator ng DA Region 1, sa ngayon ay mayroon ng kabuuang 43 cases sa rehiyon kung saan ang 36 na positive cases dito ay mula sa Pangasinan. Dagdag pa ni Agustin sa mga nakalipas na taon, hindi talaga nawawala ang Pangasinan sa top 5 ng may mataas na kaso ng rabies.

Kabilang aniya sa mga may madaming kaso ng rabies ay sa bayan ng Calasiao, Binmaley, Mangatarem, at mga lungsod ng Dagupan at San Carlos.

Kung saan isa sa mga mas pinaka tinututukan ay ang San Carlos City na kasalukuyang nakapagtala na ng siyam na kaso na mas ataas kumpara noong nakaraang taon kaya naman isa ang naturang siyudad sa itinuturing na high risk areas.

Samantala, umaasa naman ang tanggapan na magpapatuloy na wala ng maitatalang kaso sa lalawigan ng Ilocos Norte na wala paring kaso hanggang ngayong buwan ng Hunyo.