-- Advertisements --

Umaasa pa rin ang Department of Agriculture na tataas pa ang agriculture exports ng Pilipinas sa bansang Japan dahil sa pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa.

Noong 2022, ang Japan ay nag-import ng $87 bilyon na halaga ng mga produktong pang-agrikultura.

Dahil dito, ang bansang Japan ang ikalimang pinakamalaking merkado para sa mga naturang produkto sa buong mundo sa nasabing panahon.

Ayon sa ahensya, ang Japan ang pangalawang pinakamalaking merkado para sa agri-food export ng Pilipinas.

Noong 2022, umabot sa $916 milyon ang agri export mula sa Pilipinas patungong Japan, ito ay katumbas ng 2.4 porsiyentong paglago mula sa $894.4 milyon noong 2021.

Samantala, noong ikatlong quarter ng 2023, ang mga lokal na pagpapadala ng mga produktong pang-agrikultura sa Japan ay umabot sa $679 milyon.