CENTRAL MINDANAO-Prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Libungan Cotabato ang edukasyon ng mamamayan lalo na ang mga kabataan.
Ito ang sinabi ni Libungan Mayor Christopher “Amping”Cuan kasabay ng groundbreaking ceremony ng University of Southern Mindanao (USM) Libungan campus sa Barangay Montay Libungan North Cotabato.
Todo pasasalamat si Mayor Cuan kay USM President Francisco “Gil” Garcia sa pagtatayo ng unibersidad sa kanilang bayan na malaking tulong sa mga residente na gustong mag-aral.
Ang USM-Libungan campus ay umaabot ng anim na hektarya na donasyon ng magkaibigan na Mayor Cuan at dating Cotabato Board Member Rolly Sacdalan.
Noon ay pananaw (vision) ng magkaibigan ang mataas na antas ng edukasyon ng mga taga Libungan at mga karatig na bayan para magkaroon ng magandang pagkakataon at oportunidad na umangat ang buhay ng mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng State University education.
Sa tulong ni USM President Gil Garcia,Senador Joel Villanueva,Senador Sonny Anggara,SB members sa pangunguna ni dating Vice-Mayor Ronaldo Pader,mga ahensya ng gobyerno,taumbayan at ibat-ibang sektor ng lipunan ay naging realidad ang pangarap ng magkaibigan.
Ang USM-Libungan Campus building naman ay pinondohan nina Senator Sonny Angara at Senator Joel Villanueva.
Ito ay nagkakahalaga ng mahigit P27 Milyon.
Sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Amping Cuan ay mas umunlad pa at dumami ang opportunidad sa bayan ng Libungan.
Kaliwat-kanang parangal ang tinanggap ng LGU-Libungan dahil sa magandang pamamalakad ng Alkalde,
Maraming mga pagsubok ang dumating sa liderato ng bayan ngunit nanatiling matatag at lumalaban para sa kapakanan ng taumbayan (Libunganon).
Dagdag ni Mayor Cuan na sa pagtutulungan,magandang samahan at pagkakaisa ay makakamit ang tagumpay.
Matatandaan na unang binuksan ang USM Libungan Campus sa Municipal Gym ng Libungan at kung matatapos ang Montay project ay agad itong ililipat.
Sinabi naman ni Sacdalan na ibinigay niya ang tatlong hektaryang lupain upang mamunga ng mga kabataang mabubuti at magagaling dahil naniniwala siya na ang mga susunod na henerasyon ang siyang tutuloy sa mga nasimulang legasiya niya at ng kanyang pamilya.
Nilinaw ng Alkalde na hindi hadlang ang krisis sa Covid 19 sa mga nagnanais mag-aral at maabot ang kanilang pangarap sa buhay.