-- Advertisements --

Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mataas na demand ng pag-utang mula sa mga kumpanya at mga kabahayan sa unang quarter ng taon.

Ayon sa BSP na ito ang magiging resulta sa ginawang pagbabawas ng rates ng BSP noong nakaraang taon.

Ilan din sa mga nakikitang dahilan ay ang mataas na customer inventory financing needs at positibo ang tingin ng mga kliyente sa lagay ng ekonomiya.

Ipinagmalaki ng BSP na nakakaakit ang ipinapatupad nilang financing terms at mataas na consumptions kaya na-eenganyo ang maraming mga negosyante na umutang.