-- Advertisements --
CAUAYAN – Nababahala ang pamunuan ng Department of Health (DOH) region 2 sa mataas na bilang ng naitatalang namatay dahil sa sakit na Dengue sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Dr. Rio Magpantay ng DOH region 2 na mataas ang bilang ng naitatalang namatay dahil sa sakit na Dengue na umabot na sa 34 kumpara sa 12 namatay noong nakaraang taon.
Bagamat tumaas ang bilang ng mga namatay o nasawi sa nasabing sakit ay patuloy na bumababa ang kaso ng naitatalang nagkakasakit ng Dengue sa rehiyon dos..
Sinabi ni Dr. Magpantay na dapat ay magtulungan ang DOH at mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng kanilang kampanya kontra dengue at hindi dapat magsisihan.