-- Advertisements --

Kinumpirma ng Hezbollah na napatay ng Israel Defense Forces ang isa nilang commander.

Si Nabil Qaou, na commander ng Preventive Security Unit at miyembro ng central council ng Hezbollah ay napatay sa isinagawang raid ng Israel sa Chyah area sa Beirut.

Dagdag pa ng Hezbollah na si Qaouk ay palaging dumadalo sa arena ng mga jihad at malapit sa mujahideen.

Itinalaga ng US na global terrorist si Qaouk noong Oktubre 2020 kung saan siya ang dumalo at nagrepresenta sa Hezbollah at kaganapan na nagbibigay pugay sa pumanaw na Hezbollah terrorist ganun din ang Iranian Revolutionary Guards commander na si Qasem Soleimani na napatay dahil sa drone strike noong Enero 2020.