LEGAZPI CITY – Pinuri ng City Veterinary Office ng Legazpi ang mga meat vendors sa lugar dahil sa mataas na compliance sa mga ipinapatupad na protocols.
Nasa 90% hanggang 95% na ang compliance ng mga ito lalo na sa isinagawang surprise meat inspection.
Subalit nilinaw ni Legazpi City veterinarian Dr. Manny Estipona sa panayam ng Bombo Radyo na hindi ito nangangahulugan na luluwagan na ang pagbabantay lalo na sa posibilidad ng paglusot ng mga karneng infected ng African Swine Fever.
Nakatutok rin ngayon ang opisina sa pag-iikot ng checkpoints sa Brgy. Banquerohan at Padang.
Nananatili namang mula sa Albay ang suplay ng karneng baboy at meat products habang mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mula sa Camarines Sur.
Subalit kung nais magpasok ng produkto ng mga mula sa ASF-free province, hahanapan ang mga ito ng veterinary certificate at titingnan ang kondisyon ng baboy at merit sa pagpasok.
Nagdulot naman ang mataasn na compliance sa pagtaas ng revenue na umabot na sa P2 million noong Hunyo, kumpara sa P1 million sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.