-- Advertisements --

ASCOTF3 1

Naniniwala si PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, na malaking bagay na halos 100% na sa kanilang personnel ang bakunado laban sa Covid-19, kaya karamihan sa kanilang mga personnel na nahawahan ng sakit ay mga asymptomatic.

Mas mataas ang bilang ng Covid-19 recoveries o bagong gumaling ngayong araw sa hanay ng PNP kaysa mga bagong kaso.

Sa datos na inilabas ng PNP Health Service ngayong araw, January 18,2022 nasa 550 ang mga bagong gumaling sa COVID-19 habang nasa 331 naman ang naitalang bagong kaso.

” Marami sa mga nag positive sa amin Anne are asymptomatic to mild cases. This may be attributed to the fact that mataas ang bilang ng mga fully vaccinated sa aming hanay,” mensahe ni PLt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Binigyang-diin din ng Heneral na malaking tulong din ang inilabas na guidelines ng DOH hinggil sa pagpapaikli ng isolation period para duon sa mga fully vaccinated individuals na infected ng Covid-19 virus at mga asymptomatic.

” With the latest DOH guidelines on shortened period of isolation especially for those fully vaccinated, mapapabilis talaga ang recovery ng mga nagpositive sa amin,” dagdag pa ni Vera Cruz.

Dahil sa marami na ang mga gumaling sa sakit lalo na ngayong araw, lumuwag na ngayon ang mga isolation, quarantine at treatment facilities sa loob ng Camp Crame.

Nuong nakaraang Biyernes, nasa mahigit 100% ang Covid-19 bed occupancy rate ng PNP.

” With these, lumuwag yung aming mga isolation facilities especially dito sa Camp Crame,” wika ni Vera Cruz.

Sa ngayon walang nadagdag sa mga nasawi sa kanilang hanay kaya nananatili pa rin ang bilang ng mga ito sa 125.

Sa kabuoan sumampa na sa 46,049 personnel na ang mga nagkasakit habang nasa 42,128 na ang mga gumaling.

Sa kabilang dako, nasa 96.25% o 216,868 personnel na ang fully vaccinated; 7,308 o 3,24% ang nakatanggap na ng first dose habang nasa 0.51% o 1,138 ang mayruong vaccine hesitancy kung saan 525 dito ay mayruong valid reason habang 613 ang walang balidong rason.

Sa ngayon nasa 57,684 o 26.60% na ang nabigyan ng booster shot.