-- Advertisements --
Nakapagtala ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng “all-time high” na dollar deposit o Foreign Currency Deposit Units noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Central Bank, pumalo sa $54.4 bilyon ang Foreign Currency Deposit Units deposit liabilities ng bansa sa huling buwan ng 2023.
Ito ay mas mataas ng 13.72% kung ikukumpara sa $47.85 billion na naitala sa parehong buwan noong 2022.
Ayon sa BSP, dahil ito sa pagtaas ng FCDU time certificates of deposit ng mga resident individuals.
Tumaas rin ang remittances mula sa mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.
Samantala, ang nasabing dollar deposit na aabot sa 97.4% ay pagmamay-ari ng mga Pinoy.
Ito rin ay malaking ambag pagdating sa gross international reserves (GIR) ng bansa.