-- Advertisements --
download 2 2

Nadiskubre ng mga Filipino marine scientist ang mataas na dose ng caffeine sa mga baybayin sa Pilipinas.

Base sa pag-aaral kamakailan ng mga siyentista mula sa UP Marine Science Institute at University at Buffalo sa New York, nadiskubre ang mataas na konsentrasyon ng caffeine at iba pang droga sa watersheds at baybayin kabilang ang sikat at dinarayong na Boracay Island, Tubbataha Reefs Natural Park, Davao Gulf sa Davao City, Macajalar Bar sa Cagayan de Oro City, at Batangas’ Mabini municipality.

Matapos suriin ang samples ng tubig at waste water noong 2019, nadiskubre ang caffeine na siyang pinakamataas na dose ng drogang nadetect mula sa lahat ng samples kung saan ang paracetamol naman ang pumapangalawa.

Binigyang diin sa pag-aaral ang pangangailangan para sa karagdagang water treatment plants sa mga torusit sites at mga lugar malapit sa aquatic environment dahil nakakapagdetect pa rin ang mga researcher ng mataas na lebel ng caffeine sa kabila pa ng maikling lifespan nito dahil n arin sa patuloy na input ng untreated discharge.

Ang posible umanong pinanggalingan ng mataas na lebel ng caffeine sa mga baybayon aya ng direktang pagtatapon ng kape, soda, tea at iba pang caffeinated drinks gayundin ang untreated wastewater mula sa households.