Naniniwalaa ng isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon.
Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, malaking tulong dito ang pagbabalik ng face-to-face activities at consumer spending.
Pinaka-positibo si Salceda sa naitalang year on year increase na 980,000 jobs sa manufacturing sectors.
Isa kasi ito sa senyales na talagang lumalago at sumigla na muli ang ekonomiya ng bansa.
Pinatututukan naman ng ekonomistang mambabatas ang sektor ng construction at fisheries na nagkaroon ng pagbaba.
Batay sa report, nagkaroon ng 530,000 year on year job loss sa pangingisda habang 392,000 na trabaho ang nawala sa construction.