Posibleng magpapatuloy sa kabuuan ng lingong ito ang mataas na heat index, batay sa pagtaya ng state weather bureau.
Ngayong araw, March 3, 2025, una nang pumalo sa 46°C (°C) ang heat index sa ilang lugar sa Metro Manila. Ang mga ito ay nasa ilalim na ng ‘danger’ classification.
Ayon pa sa state weather bureau, kasabay ng unti-unting pagtatapos ng northeast monsoon o hanging amihan ay asahan ang pagpapatuloy na nito sa mas marami pang mga lugar.
Marami sa mga lugar na maaaring mauunang makaranas ng mataas na heat index ay mula sa National Capital Region, Central Luzon, Mimaropa, Cagayan Valley, atbpa.
Una nang ipinapayo ng weather bureau ang ibayong pag-iingat sa publiko dahil sa matinding sikat ng araw, lalo na sa mga oras ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ilang mga lokal na pamahalaan na rin ang nagkansela ng pasok ngayong araw bilang pag-iingat sa pagsisimula ng pag-angat ng heat index.