Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na hindi pa naaabala ang mga suplay ng petrolyo kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Sinabi ni DOE’s oil industry management bureau director Atty. Rino Abad na tanging naranasan ng bansa ay ang malakihang pagtaas ng import costs sa petroleum product.
Nakita ng bansa ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-10 sunod na linggo, dahil tinatayang tataas ito ng aabot sa P3 hanggang P5 kada litro sa susunod na linggo, batay sa pagtatantya ng industriya.
Nagkaroon ng mga talakayan sa Philippine National Oil Corp. (PNOC) sa isang strategic petroleum reserve program para sa bansa sakaling magkaroon ng kakulangan, dagdag ni Abad.
Ang PNOC ay isang korporasyong pagmamay-ari at kontrolado ng gobyerno na nabuo sa ilalim ng rehimeng batas militar ni Ferdinand Marcos.
Aniya, kung ang pagkagambala sa suplay ay external at magdudulot ng kakulangan sa suplay sa bansa, ang reserbang petrolyo ay maaaring gamitin upang suportahan ang minimum na kinakailangan ng imbentaryo ng pribadong sektor.
Batay sa mga regulasyon, ang minimum inventory requirement ng bansa ay 30 araw na supply sa refinery.
Ang mga direktang importer ng liquid fuel atLPG, samantala, ay nagpapanatili ng 15-araw at 7-araw na supply.
Binigyang-diin din ng direktor na batay sa monitoring ng DOE noong Pebrero 28, ang bansa ay may average na “more than 40 days” ng available na supply ng langis.